INACTIVE muna ang mga social media account ni LeBron James bago magsimula ang playoffs ngayong taon, dahil ito aniya ay isang toxic place para sa kagaya niyang celebrity.

James copy

Napatunayan ni LeBron ang kanyang punto sa pagdagsa ng bashing ng publiko, dahil sa pagkakamali ng kanyang mga teammate sa Game 1 ng finals, at naging trending pa ang mga pambabatikos gayundin ang naglabasang memes sa Twitterverse (Twitter universe) at ibang social media.

Gayunman, ayon sa ulat ng Mashable, ipinahayag pa rin ni James ang magagandang naidudulot ng social media sa paraan ng pagbabahagi ng balita at mga event, ngunit sinabi rin niya sa news conference nitong Sabado na madalas na sinasamantala ang social media para mambatikos at magkalat ng negativity.

Tsika at Intriga

'Respect... please!' Tatay ni Alden, pumalag sa pagkalat ng pics sa lamay ng ama

“If you’re a celebrity, then you realize it’s actually really bad for you,” sabi ni LeBron.

Naglaro na ng aabot sa 1,400 NBA games, inilarawan ni LeBron ang pagkatalo nila nitong Huwebes bilang isa sa “toughest”, dahil sa ilang kuwestiyonableng tawag ng mga referee, hindi pag-shoot ng free throw ng point guard na si George Hill habang mayroon na lamang natitirang kulang-kulang limang segundo (na dapat sana ay ikalalamang ng Cavs sa Golden State Warriors).

Binuhay naman ng Cavs guard na si J.R. Smith ang team, nang makuha niya ang isang offensive rebound, ngunit makaraang matakasan niya ang seven-foot block-shocking defender na nakaharang sa harapan niya, nabigo siyang i-shoot ang bola bago pa man matapos ang oras.

Nagkaroon ng overtime ang game, at natalo ang Cavs, at inamin ng coach ng Warriors, si Steve Kerr, na ang kanilang koponan “got lucky.”

Sinabi ni LeBron na karamihanng mga rapid-fire criticism na natatanggap ng mga atletang kagaya ni Smith ay mula sa mga ignoranteng kritiko, na ang pangunahing layunin ay mambatikos.

“Like, if you really pay attention, there’s people out there that really try to tear you down,” ani James. “You have to realize that, one, you don’t know who they are. Two, they don’t know what they’re talking about. Three, they’ve never stepped in your shoes or been in the light to understand what it means to have to perform or whatever the case may be.”

At kung hindi maiwasan ang mga pambabatikos, inirekomenda ni LeBron sa kanyang teammates — at sa lahat— na umalis na sa social media.

“If you’re a part of it and it bothers you, then you probably should just delete it off your phone,” sabi pa ni James.

Muli namang nabigo ang Cavs nang matalo uli sa game 2 kahapon.