TAGAYTAY CITY -- Matagumpay ang kampanya ng Arellano University chess team matapos makapag-uwi ng tropeo at medalya sa katatapos na 2018 Asian Universities Chess Championships Biyernes ng gabi na ginanap sa sa Tagaytay International Convention Center.

NAKOPO ng Arellano University chess team na binubuo nina (mula sa kaliwa) El Gabriel Chua, Junsen Audric Maranan, Jasper Faeldonia, Arellano head coach NM Rudy Ibañez , Kishey Ibañez at Jasmine Zyrelle Navarez ang runner-up honor sa junior division ng 2018 Asian Universities chess championship nitong weekend sa Tagaytay Convention Center.

NAKOPO ng Arellano University chess team na binubuo nina (mula sa kaliwa) El Gabriel Chua, Junsen Audric Maranan, Jasper Faeldonia, Arellano head coach NM Rudy Ibañez , Kishey Ibañez at Jasmine Zyrelle Navarez ang runner-up honor sa junior division ng 2018 Asian Universities chess championship nitong weekend sa Tagaytay Convention Center.

Pinangunahan ni Jasper Faeldonia, incoming Grade 8 student, at suportado nina Odiongan, Romblon Mayor Trina Firmalo, Manila Councilor Anton Capistrano at sportsman Reli de Leon, ang kampanya ng Arellano University chess team sa runner-up place sa junior division.

Nakasama niya sa tagumpay ang kanyang mga kasangga na sina El Gabriel Chua, Junsen Audric Maranan, Kishey Ibañez, Jasmine Zyrelle Navarez , sa pangangasiwa ni Arellano head coach NM Rudy Ibañez.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ang 13 anyos na si Faeldonia, miyembro rin ng Espana Chess Club ay sinasanay nina Arellano University coach National Master Rudy Ibanez, National Master Edgardo Garma at 7-time Philippine Executive Champion Dr. Jenny Mayor.

Ang Tubong Odiongan, Romblon at Espana-based na si Faeldonia ang nagkampeon din sa National Age Ggroup Chess Championships Under-14 category nitong nakaraang buwan sa Roxas City, Capiz.

Nakatuon ngayon si Faledonia sa pagkatawan sa bansa sa 19th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Age Group Chess Championship na gaganapin sa The Royal Mandaya Hotel sa Davao City mula Hunyo 18 hanggang 28, kung saan sa nakaraang edisyon sa Pahang, Malaysia, nakamit ng Pilipinas ang over-all title na matagal nang pinagharian ng Vietnam sa paglikom ng 83 gold, 37 silver at 29 bronze medal.

-Marlon Bernardino