Ni Mar T. Supnad

CAMP OLIVAS, Pampanga – Pinatunayan ni PO3 Artem Balagtas, nakatalaga sa Gerona Municipal Police Station, na mapagkakatiwalaan ang mga pulis at matapat sa paghahanap niya sa may-ari ng wallet na kanyang natagpuan habang pauwi mula sa kanyang duty nitong Biyernes.

Natuwa si Yolanda Oneal, senior citizen, nang puntahan siya ni PO3 Balagtas sa kanyang tahanan at ibalik sa kanya ang kanyang wallet na naglalaman ng P11,000 cash at identification (ID) cards sa Gerona, Tarlac.

"His example is worth emulating. He was just doing what he has to do, the right way. Indeed, your police are committed to make a difference in our society one day at a time," sabi ni Chief Supt. Amador V Corpus, PRO3 Regional director.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Samantala, inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group ang isang babae sa entrapment operation, nitong Huwebes ng gabi. Binubugaw umano nito ang mga menor de edad sa Roro, Sorsogon.

Sa ulat ni Chief Inspector Rommel Labalan, bagong talagang CIDG chief ng Sorsogon Provincial Field Unit, inaresto si Teresa Jaylo Cruz, 56, ng Urban poor, Kabid-an, Sorsogon sa loob ng Tentyard Hotel, Bgy. San Juan Roro, Sorsogon City, matapos tumanggap ng pera mula sa CIDG agents na pawang nagpanggap na customer.

Ayon kay Labalan, nag-ugat ang pag-aresto matapos siyang mamataan na nagbubugaw ng tatlong bata na paglabag sa R.A. 9208, na pinagtibay ng R.A. 10364 o tinatawag na trafficking in person.