Ni Clemen Bautista
UNANG linggo ngayon ng buwan ng Hunyo batay sa kalendaryo ng ating panahon. At sa liturgical calendar naman ng Simbahang katoliko, mahalaga ang Hunyo 3, 2018 sapagkat pagdiriwang ng kapistahan ng CORPUS CHRISTI (salitang Latin na ang kahulugan ay Katawan ni Kristo). Bahagi ng pagdiriwang ang pagdraos ng misa sa mga simbahan sa iba’t ibang parokya. Susundan ng prusisyon mula sa simbahan na may inilagay na apat na maliiit na altar. Sa nasabing mga altar, ilalagay ang Blesssd Sacrament at darasalin ng pari kasama ang mga parishioner ang panalangin para sa mga kabataan, mga kababaihan, sa pamahalaan at sa ating bansa. Bahagi rin ng pagdiriwang ng Corpus Christi sa mga simbahan ang Exposition at Benediction ng Blesed Sacrament.
Ang pagdiriwang ng kapistahan ng Corpus Christi ay nagsimula pa noong ika-13 siglo. Ang pagdiriwang ay itinakda ni Papa Urbano IV. Ang unang selebrasyon ng kapistahan ay noong 1264. Inatasan ni Papa Urbano IV si Saint Thomas Aquinas, isang paring Dominiko (Dominican) na gumawa ng misa para sa kapistahan ng Corpus Christi.S inulat din ni Saint Thomas Aquinas ang awit sa Holy Eucharist tulad ng “Pange Lingua”, “Tantum Ergo”, “Panis Angelicus” at ang “Salutaris Hostia”, na inaawit sa kapistahan ng Corpus Christi. Ang “Tantum Ergo” ay ang inaawit ng choir at ng mga mananampalataya sa Exposition at Benediction ng Blessed Sacrament.
Ganito ang lyrics ng “Tantum Ergo”: Tantum ergo Sacramentum, Veneremur cernui Et antiguum documentum Novo cedat retui, Preastet fides Suplementu, Sensuum defectui, Genetori, Genetoque Laus et jubilatio, Salus, honor, virtus quoque Sit et benedictio, Procedenti ab utroque Compar sit laudatio.Amen. Sa Ingles: Let us vow in adoration,t o this sacrament so great Here is new and perfect worship all the old must termnate Senses cannot grasp this marvel, Faith must serve to compensate Glory,honour, ,adoration, let us sing with one accord.
Ang pagdiriwang ng Corpus Christi ay kaugnay ng paniniwala ng tunay na presensiya ni Kristo sa Holy Eucharist o Banal na Eukaristiya. Maraming pangalan o tawag ang naglalarawan sa Eucharist tulad ng Hapunan ng Panginoon, Banal na Sakripisyo sa Misa at Blessed Sacrament. Bawat isa sa mga pangalang nabanggit ay nagbibigay-diin sa ilang aspeto ng kasaysayan ng Eucharist. Ang Corpus Christi na salitang Latin na ang kahulugan ay Katawan ni Kristo. Nagbibigay-diin sa paniniwala sa tunay na presensiya ng Kristong Muling Nabuhay.
Ang Holy Eucharist ay ang pinakasentro ng pananampalataya ng kristiyanong katoliko. Ang pinagbatayan ng Holy Eucharist ay ang naganap noong Huling Hapunan ng Panginoong Hesukristo kasama ang kanyang mga alagad o apostol.
Dinampot ang tinapay at matapos magpasalamat sa Diyos, pinagpira-piraso ang tinapay at ibinigay sa mga alagad at sinabi ni Kristo: “Ito ang aking katawan na ibinigay sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin”. Gayundin naman, dinampot niya ang kalis o saro matapos maghapunan at sinabi: “Ang kalis na ito ang Bagong Tipan ng aking dugo na mabubuhos dahil sa inyo” (Lucas 22: 19--20).
Ang kapistahan ng Corpus Christi ng mga kristiyanong katoliko ay patuloy na nagiging makabuluhan at makahulugan sa mga Pilipinong katoliko. Ang mga prusisyon at iba pang trdisyunal na paggunita na may debosyon ay nakadaragdag sa pagdiriwang ng ganitong kapistahan.
Sa pagdriwang ng Corpus Christi, sana ang lahat ng sektor ng mga kristiyanong komunidad o pamayanan ng mga Pilipino ay magpatuloy na sundan si Kristo sa pagbubunyi sa Ebanghelyo bilang pagdiriwang sa pag-ibig sa Panginoon at sa pagkilala sa presensiya ni Kristo sa Banal na Eukaristiya.