Ni Ariel Fernandez
Naghigpit na ngayon ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagpapatupad ng “No Parking” sa palibot ng paliparan.
Ayon kay NAIA Terminal 3 Manager Dante Basanta, layunin nito na hindi magkaroon ng matinding trapiko sa lugar, na karamihan ay sanhi ng pagsundo sa mga pasahero dahil hindi na pumaparada ang mga ito sa tamang parking area.
Nasampulan na, aniya, nila sa implementasyon nito ang isang kotse na nakaparada sa isang VIP parking slot ngunit natuklasang pag-aari ito ng isang contractor sa pagsasaayos ng NAIA runway.