Ni Merlina Hernando-Malipot
Nababahala na si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa dumadaming pribadong paaralan na nagsasara at isinisisi niya ito sa kawalan ng mga guro at nag-e-enroll.
“There’s a phenomenon of small private schools closing—not the big ones who are happily surviving— but the small ones, mostly in the provinces but also in cities,” pahayag ni Briones.
Aniya, nakatanggap siya ng ulat na maraming maliliit na pribadong eskuwelahan ang nagsasara sa gitna ng dumaraming enrollees sa mga pampubliko at pribadong paaralan kada taon.
“They are, in a sense, losing students and teachers. We have this phenomenon of migration – from private to public not only of students but also of teachers,” ani Briones, tinutukoy ang mga estudyanteng lumipat sa pampublikong paaralan mula mga pribadong eskuwelahan, sa iba’t ibang dahilan.
Karamihan din, aniya, sa mga eskuwelahan ay nagpapasyang magsara na lang dahil sa pag-aalisan ng mga guro ng mga ito, na karamihan ay piniling magturo sa public schools dahil na rin sa mas mataas na suweldo at sa mga benepisyo.