GAZA CITY, Palestinian Territories (AFP) – Binomba ng Israeli aircraft ang posisyon ng mga militante sa Gaza bilang ganti sa pambobomba ng mga Palestinian, sinabi ng army nito kahapon.
Nangyari ang huling sagupaan ilang oras matapos libu-libong Palestinian ang dumalo sa libing ng babaeng volunteer medic na napatay sa Israeli fire sa bakbakan sa hangganan sa southern Gaza.
Sa unang bugso ng airstrikes, tinarget ng Israeli fighter jets ang “10 terror sites in three military compounds belonging to the Hamas terror organisation in the Gaza Strip,’’ ipinahayag ng army kahapon ng umaga.
Ganti ito ng Israel sa pagpapaulan ng rockets sa kanila, at sa ‘’various terror activities approved and orchestrated by the Hamas terror organisation over the weekend,’’ ayon sa army.
Wala pang iniulat na nasawi sa pambobomba sa Gaza.