Ni Annie Abad

PINAALALAHANAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga National athletes na nanalo ng medalya sa mga international competitions maliban sa mga nanalo noong Abril 2001 na kunin na ang kanilang mga insentibo hanggang Nobyembre 13, 2018.

Ito ay bunsod ng bagong batas na Republic Act 10699 na naamyendahan noong 2015, na buhat sa nasabing taon, hanggang kasalukuyang taon ay kailangan na nakuha na ng mga medalist athletes ang kanilang mga insentibo.

“National Athletes who have won and availed of benefits and privileges under section 9 of the Repealed RA 9064....are considered to have fully claimed their cash insensitives,” bahagi ng nasabing batas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasasaad din sa RA 10699, na ang kabiguan na makuha ng qualified athlete ang kanilang insentibo sa loob ng tatlong taon o buhat nang maimplementa ang nasabing batas noon taong 2015 hanggang sa kasalukuyan ay nangangahulugan na hindi na nila ito maaaring makuha kahit kailan.

“National Athletes who have not availed of the cash insensitives on the above mentioned provision shall claim within 3 years from the effectivity of this Act. Thereafter would be construed as not eligible for the claim and have waived their rights,” ayon sa RA 10699.

Ayon Kay Christine Abellana, acting chief ng Support Services ng PSC, na nais ng ahensya na makuha ng mga atleta ang nararapat na insentibo para hindi ito mabalewala.

“Gusto din naman po namin na matanggap ng kinauukulan ang incentives kaya kami nagpaaalala,” pahayag ni Abellana.

“Meron lang po kasi talaga ng itinakdang panahon na maaring makuh base na din po sa bagong batas na RA 10699,” pahayag pa ni Abellana.

Ang nasabing insentibo ay may pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).