Isang pari ang tinanggap ng Diocese of Antipolo nitong Biyernes.

Ngunit "espesyal" si Rev. Fr. Lamberto Ramos, 66, dahil siya ay balo at may mga anak.

Sa pag-ordina kay Ramos sa Immaculate Heart of Mary Parish, sinabi ni Antipolo Bishop Francisco De Leon na sa edad at background ng una, maaari itong mag-asawa uli o namnamin ang kanyang pagreretiro ngunit pinili maging pari.

"Why did he want to become a priest? What motivated him to aspire to the priesthood in this sunset of his life? The answer is love...the love of God for him," sabi ni De Leon sa kanyang homily.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Aniya pa, tumugon si Fr. Lamberto sa pagmamahal ng Panginoon sa pagpapari.

"He believes that his vocation to the priesthood is 55 years in the making," sambit ni De Leon.

"Vocation to the priesthood is Gods gift to him. That God chooses him," dagdag ni De Leon.

Pinaalalahanan ni De Leon si Ramos na ang pagmamahal niya sa Diyos at ang pagpili sa kanya ng Panginoon ay kinakailangan ng maraming sakripisyo.

"I expect that your rich experience, works, married life, parenting will bear lots of fruits for the greater glory of God and for the good of His flock," pahayag ni De Leon.

Sa kanyang talumpati, inialay ni Fr. Lamberto ang bagong bahagi ng kanyang buhay sa Espiritu Santo.

"Here I am starting all over again.. I attribute this to the work of the Holy Spirit. This is all about grace and in all humility I accept," sabi niya.

Sa Facebook page ng Antipolo diocese, isiniwalat na si Fr. Lamberto ay kasal kay Vilma Ramos na namatay sa cancer noong 2009, at nagkaroon sila ng tatlong anak. (Leslie Ann G. Aquino)