BANGKOK (AFP) – Namatay ang isang balyena sa katimugan ng Thailand matapos makalulon ng mahigit 80 plastic bags, sinabi ng mga opisyal.

Ang maliit na male pilot whale ang huling biktima ay nakitang naghihingalo sa canal malapit sa hangganan ng Malaysia, sinabi ng Department of Marine and Coastal Resources sa kanilang Facebook page nitong Sabado.

Sinikap ng isang grupo ng mga beterinaryo na gamutin ito ‘’but finally the whale died’’ noong Biyernes ng hapon. Nakita sa autopsy ang 80 plastic bags na tumitimbang ng halos walong kilo sa tiyan ng hayop. Naisuka pa ng balyena ang limang supot, bago ito namatay.

Tinatayang 300 marine animals, kabilang ang pilot whales, sea turtles at dolphins ang namamatay sa mga baybayin ng Thailand bawat taon dahil sa paglulon ng plastic.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ikinagalit ng Thai citizens ang sinapit ng pilot whale.

‘’I feel sorry for the animal that didn’t do anything wrong but has to bear the brunt of human actions,’’ isinulat ng isang Twitter sa wikang Thai.