Ni Reggee Bonoan

WALANG naniwala kay Piolo Pascual sa mga dumalo kamakailan sa presscon para sa bago niyang endorsement nang sinabi niyang wala siyang sex life dahil sa sobrang busy niya sa trabaho.

piolo

Oo nga naman, sinong mag-aakalang ang isang guwapong tulad ni Piolo, na halos lahat ng babae ay siya ang ideal guy kaya nga tinagurian siyang Papa P., ay walang sex life. Kung iisipin, kaya niyang magkaroon ng girlfriend maski anong oras na gustuhin niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“With the work I have now, imposible pa talaga. Hindi ko mabibigyan ng panahon. May soap. Sabi ko nga, this will be the last time that I will be in a teleserye. Ang Home Sweetie Home is once a week lang, like ASAP,” katwiran ni Piolo. 

Nabanggit din ni Papa P. na pati ang Mama niya ay hinahanapan na siya ng apo.

“Naiinip na nga ang Nanay ko na magkaapo na uli. Sabi ko, ‘pag nag-50 na ako kahit ilan pang apo, eh, ibibigay ko sa kanya,” ani Piolo. “Kasi sabi ko dati, 35 (years old), 40… ngayon, ano pa ba? Seryoso, gusto ko pa kasi mag-enjoy sa buhay ko, eh. I’m 41 now I’ve got about a couple of years and bago tumanda nang lubusan ang nanay ko, siyempre gusto ko siyang bigyan ng bagong apo, because she always makes me kulit. Ang dami ko pa kasi gustong gawin sa buhay ko, eh.

“Eh, hindi na nga ako lumalabas ng bahay because I have work. Kaya paano magde-date? Buti pa nga ang anak ko (Iñigo Pascual), meron na.

“Now, that other concern. I keep myself busy, kaya nga I don’t even have the time to think about it na. At saka wala naman nga akong girlfriend o karelasyon. At saka, kasama ko sa bahay ko ang nanay ko,”paliwanag pa ni Piolo. 

Bukod sa Home Sweetie Home at ASAP ay mayroon pa siyang Since I Found You, na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, kaya technically, seven days a week napapanood sa telebisyon si Piolo.

Kaya nga hindi na raw siya makakagawa pa ng pelikula, dahil hindi na niya kakayanin pa.

“Mahirap po kasing magpelikula habang may teleserye, hindi ko kakayanin,” pag-amin ng aktor.

Kaya ang pagpo-produce na lang ng pelikula ang gagawin niya. Isa siya sa producers ng Spring Films, kasama sina Binibining Joyce Bernal at Erickson Raymundo.

Kuwento ni Piolo, may apat na pelikulang gagawin ang Spring Films, kasama ang Hayup Ka, Kuya Wes, na pagsasamahan ng anak niyang si Iñigo at ng real and reel love nitong si Maris Racal.

Produced din ng Spring Films ang Marawi war picture, na inaayos pa lang ng grupo ni Piolo ang script at ilang logistics sa Marawi City, dahil doon sila mismo magsu-shoot.

Nai-imagine namin ang hectic schedules ni Papa P., pero hindi halata sa kanya dahil fresh-looking pa rin siya.

Hindi naman itinanggi ng aktor na talagang alaga niya ang katawan niya, mula sa mga iniinom niyang vitamins at sa mga ginagamit niya sa mukha niya, tulad ng Lamer skincare.

At ngayon nga ay umiinom na siya ng My Daily Collagen dahil kailangan niya ito sa injury niya sa paglalaro ng badminton.  

“I had bone injury and I needed this because my doctor says I needed Type 1. I am aging, to prevent injuries, I need this to protect myself and all you need is one bottle a day. It’s not just a skin enhancer, it has a lot of benefits, plus it’s also in mango flavor. It’s addicting,” ani Piolo.

Marami nang nag-alok kay Piolo bilang brand ambassador ng collagen, pero ang My Daily Collagen na pag-aari ni Ms. Anna Perez, ng Global Wellness Enterprise, ang pinili niya dahil 100% Pinoy ang kumpanya, bukod pa sa nagustuhan din ito ng mga kapatid niya.