Binalaan kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng kumandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na may hanggang Hunyo 13 na lang sila upang maghain ng kanilang Statement of Election Contribution and Expenditures (SOCE).

Paliwanag ng Comelec, nanalo man o natalo noong nakaraang eleksiyon ay kinakailangan pa rin ng mga kandidato na maghain ng kanilang SOCE.

Ayon sa Comelec, maaaring madiskuwalipika ang mga ito sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno kung mabibigong maghain ng SOCE sa takdang oras, alinsunod sa itinatakda ng Section 14 ng Republic Act 7166.

-Mary Ann Santiago
National

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol