Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Globalport vs Alaska

6:45 n.g. -- Magnolia vs

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Rain or Shine

PANATILIHIN ang kapit sa liderato ang target ng Rain or Shine at Alaska sa pagsabak sa magkahiwalay na laro ngayon sa 2018 PBA Commissioner’ Cup sa Araneta Coliseum.

Magkasunod sa 1-2 spot ang Elasto Painters at ang Aces taglay ang markang 5-1 at 4-1 marka, ayon sa pagkakasunod.

Mauunang sasabak ang Aces ganap na 4:30 ng hapon kontra Globalport Batang Pier bago ang Elasto Painters na haharap naman kontra Magnolia na gaya nila’y iisa pa lamang ang talo at nakakatatlo pa lamang panalo ganap na 6:45 ng gabi.

Hangad ng Hotshots na makopo ang ika-4 nilang panalo para patuloy na makaagapay sa mga namumuno habang magsisikap namang umangat ng Batang Pier sa kinalalagyang ikalimang posisyon taglay ang patas na markang 3-3, kasalo ng may mga laro kahapon na Phoenix at Columbian Dyip.

Bagama’t napatawan ng malaking multa, nakakatiyak namang makakapaglaro makaraang makaligtas sa suspensiyon ang mga manlalaro ng Globalport at Rain or Shine na nasangkot sa gulong nangyari sa nakaraan nilang laban.

Ligtas sa suspensyon si Kelly Nabong, ngunit napatawan ng multang P30,000 na kinapapalooban ng P20,000 para sa flagrant foul penalty 2 sa pagtulak kay Rain or Shine guard Maverick Ahanmisi at P10,000 sa pagsenyas ng dirty finger.

Makakalaro rin si import Malcolm White, pinatawan ng multang P20,000 dahil sa pagsiko kay ROS guard Chris Tiu na siyang pinagmulan ng gulo.

Gayundin si Ahanmisi na pinagmulta ng P15,000 dahil sa pagtulak kay Sean Anthony at sina Mo Tautuaa at Raymund Almazan na napatawan ng multang tig-P10,000 dahil sa pagkakasangkot sa gulo.

Samantala, ipaparada ng Magnolia ang bagong import na si Curtis Kelly na ipinalit sa dating import na si Vernon Macklin.

-Marivic Awitan