OAKLAND, California (AP) — Matinding dagok sa kampanya ng Cleveland Cavaliers ang kaganapan sa Game 1 – blunder ni J.R. Smith, ang pagbawi sa tawag ng referee at ang mintis na free throw sa krusyal na sandali – na nagresulta sa overtime na kabiguan sa defending champion Golden State Warriors.

Bago ang Game 2 sa Linggo (Lunes sa Manila), nakatanggap naman ng magandang balita ang kampo ni LeBron James.

Ipinahayag ng NBA na hindi masususpinde sina Cleveland big men Tristan Thompson at Kevin Love – kapwa sangkot sa naging kaguluhan sa pagtatapos ng laro sa opening series.

Nagsimula ang gusot nang tangkaing supalpalin ni Thompson ang tira ni Shaun Livingstone sa huling 2.7 segundo na nagbigay sa kanya ng flagrant 2 foul at kagyat na nagpatalsik sa kanya sa laro. Ngunit, bago lisanin ang court itinulak niya ang bola sa mukha ni Draymond Green.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa inilabas na desisyon, pinatawan lamang ng multang US$25,000 si Thompson at ibinaba sa flagrant 1 foul ang naunang desisyon ng referee.

Umalis sa kanilang bench si Love para kwestyunin ang itinawag na flagrant foul 2 at nasa loob ng court nang magsimula ang gusot.

“I just think, especially when a game has been as hard-fought as that one, you don’t like to see emotions spilling over at the end,” sambit ni commissioner Adam Silver.

“You don’t like to see the chippiness. It didn’t from my standpoint necessarily get out of hand in that game, but I’ve been around this game long enough to know that even guys with best intentions, when provoked, they can easily cross a line that you don’t want them to cross.”

Hindi matapos-tapos ang debate hinggil sa kaganapan sa huling minute ng Game 1. Nagsimula ang aksyon ang makumpleto ni James ang three-point play para sa 104-102 bentahe ng Cavs may 50 segundo ang nalalabi.

Magkasabay ang pagpito ng dalawang referee at sa ginawang reply, pinatawan ng blocking foul si James.

At sa huling 4.6 segundo, naitabla ni George Hilla ng iskor sa naisalbap na free throw, ngunit sumablay ang ikalawa na nakuha naman ang rebound ni JR Smith.

Ngunit, imbes na itira para sa winning shot, idinirible ni Smith palabas ang bola na nauwi sa overtime.

Umaasa si Cavs coach Tyrone Lue na maibabaon sa limot ang bangungot ng Game 1 at makabawi sa serye bago magtungo sa Cleveland para sa Game 3.

“J.R. can shake off anything, and when everybody tends to count J.R. out, that’s when he comes through,” sambit ni Lue. “So he’s definitely going to start again. He’s a big part of what we do. That last play is over, it’s behind us, and now we’ve got to move on.”