Matapos ang magkakasunod na taas-presyo sa petrolyo, napipintong magpatupad ng big-time rollback ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng matapyasan ng hanggang P1.51 ang kada litro ng gasolina at P1.08 naman sa diesel, bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Nitong Mayo 29 ay nagdagdag ng 65 sentimos sa kada litro ng gasolina, 45 sentimos sa kerosene, at 35 sentimos sa diesel, habang Mayo 8 pa huling nagpatupad ng rollback.

Ang napipintong rollback ay kasunod ng pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) kahapon ng umaga.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa pahayag ng Petron, epektibo dakong 6:00 ng umaga kahapon ay nagtaas ito ng P3.40 sa presyo ng kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas, o katumbas ng P37.40 dagdag sa 11-kilogram na tangke ng LPG nito.

Bukod pa rito ang P1.90 na itinaas sa kada litro ng Xtend Auto-LPG ng Petron.

-Bella Gamotea