Posible umanong magresulta sa pagtaas ng singil sa elektrisidad sa susunod na buwan ang halos araw-araw na pagnipis ng supply ng kuryente.

Ito ang babala ni Manila Electric Company (Meralco) spokesman Joe Zaldarriaga matapos maranasan kahapon ang ikatlong sunod na araw nang pagnipis ng reserbang kuryente sa Luzon, dahil sa pagpalya ng maraming planta.

Hindi man, aniya, nauwi sa brownout ang kakaunting supply ng kuryente, posible naman aniyang magdulot ito ng pagtataas ng singil sa Hulyo.

Isa sa mga dahilan ng tatlong araw nang naka-yellow alert o manipis ang reserbang kuryente ang patuloy na nararanasang tindi ng init ng panahon sa bansa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bukod pa, aniya, ang pagbagsak ng ilang planta, kabilang na ang Malaya thermal plant.

Dahil mainit ang panahon, sumirit na sa 10,750 megawatts ang konsumo ng Luzon, mas mataas sa pinakamataas na konsumo noong 2017.

Inaasahan namang madaragdagan din ang singil sa kuryente ngayong buwan dahil sa pagpasok sa singil ng Meralco sa Hunyo ng dagdag sa feed in tariff allowance (FITall) na P0.073 kada kilowatt hour.

-Mary Ann Santiago