KAAGAD naming sinilip ang Instagram (IG) account ni Derek Ramsay, pati na ng manager niyang si Joji Dingcong, pagkatapos may kumalat na balitang namatay sa aksidente ang aktor. Nag-trending pa raw ang balita sa pagkamatay ng aktor.
Obviously, fake news ang kumalat dahil buhay na buhay si Derek. Walang balita sa IG accounts nila ng manager niyang si Joji, at kahit sa social media, na namatay ang aktor dahil sa aksidente.
Obvious na hindi pa nakarating kina Derek at Joji ang balita dahil wala pa silang reaction dito.
Anyway, maganda ang latest news kay Derek, nagbukas siya ng gym sa BGC, at tiyak na dadayuhin ito kapag nalamang si Derek ang may-ari.
“I’ve always wanted to have my own gym and now here it is. Can’t wait to work out and help motivate so many people to live a healthier life. Please check out platinum fitness at citi plaza BGC.”
Dagdag na bagong balita pa kay Derek, bagong ahit ito dahil sa bagong endorsement. “Goodbye beard. Time for a clean look today for a new project. Thank you Lord for another blessi
-NITZ MIRALLES