DIRETSAHANG sinabi ni Daniel Padilla na hindi niya maipapangako sa inang si Karla Estrada na tutupad siya sa gusto nitong mag-asawa siya sa edad na 35 to 40.

Kathniel

Pero isang malapit naman kay Daniel ang nagsabing hindi raw naman ang aktor ang tipo ng lalaking magpapakasal sa hindi niya mahal. Sigurado raw ang source namin na may magaganap na kasalan kina Daniel at Kathryn Bernardo.

Banggit pa rin ng aming source, may sapat na raw namang kakayahan si Daniel para mabigyan ng magandang buhay ang mapapangasawa at ang kanilang mga magiging mga anak, huh!

Events

Apo Whang-Od gown ni Michelle Dee, ginaya ng contestant sa Miss U Thailand?

Dagdag pa rin ng source namin, sa ngayon daw, bukod sa showbiz career ay priority rin ni Daniel ang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng diploma. Pangarap daw ng aktor na makapagtapos ng kursong business management.

Pero, ayon pa rin sa kausap namin, mukhang mas seryoso raw ngayon sina Daniel at Kathryn, at maaaring magugulat na lang daw ang lahat sa isang biglang desisyon ng dalawa, huh!

Samantala, nagbigay na ng reaksiyon si Kathryn sa naging pahayag ni Karla tungkol sa hindi agarang pag-aasawa ni Daniel.

“Sa totoo lang, eh, nagulat talaga ako. Nakakatuwa, knowing Tita Karla. Atsaka hindi pa naman talaga namin ‘yun plano. Parang ang bata pa namin, pero wala pa talaga,” pahayag pa ni Kathryn sa interview sa kanya.

More than six years na ang KathNiel, at para kay Kath ay maituturing na niya ito ngayon na “long-term relationship”.

Paliwanag pa ng Kapamilyang aktres, hindi kailangang minamadali ang pagpapakasal, at dapat na gawin lang ‘yun sa tamang panahon, huh!

Abalang-abala ngayon ang KathNiel sa shooting ng movie nilang The Hows of Us under Star Cinema, sa sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

-JIMI ESCALA