BEIJING (Reuters) — Tinawag na “ridiculous” ng China nitong Huwebes ang pagpuna ng United States sa militarisasyon nito sa South China Sea, matapos sabihin ni US Defense Secretary Jim Mattis na kokomprontahin ng Washington ang mga aksiyon ng China sa pinagtatalunang karagatan.

Sinabi ni Mattis na itutulak pabalik ng United States ang nakikita nitong militarisasyon ng China sa mga kapuluan sa South China Sea sa kabila ng pagkondena ng China sa paglayag sa rehiyon ng dalawang warship ng US Navy nitong weekend.

“The United States military presence in the South China Sea is greater than that of China and other countries that surround the seas combined,” sinabi ni Chinese foreign ministry spokeswoman Hua Chunying sa regular briefing.

Kinuwestyon din ni Hua kung ang “freedom of navigation” operations ng US Navy ay talagang tungkol sa pagpipreserba sa karapatan ng mga barko na maglayag sa rehiyon o pagtatangka para mapanatili ang kontrol.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“This sounds like a case of a thief crying ‘stop thief’ to cover their misdeeds,” aniya.

Nagsalita sa hiwalay na briefing, sinabi ni defense ministry spokesman Ren Guoqiang na napansin niya na ang US kamakailan ay nagbubulag-bulagan “to the facts and hyping up” ang militarisasyon sa South China Sea.

Ayon kay Ren, walang bansa na may karapatan na magbigay ng “irresponsible remarks” tungkol sa pagtatayo ng China ng mga kinakailangang defense facilities sa sarili nitong teritoryo.