TRABAHO muna saka na ang bakasyon. Ito ang goal ng magka-love team na Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Bianca & Miguel

Matatandaan na noong debut ni Bianca last March, isang round-trip ticket to Japan ang gift ni Miguel, dahil nasa bucket list daw kasi ng aktres ang makapunta ng Japan.

Hindi naman pumayag ang lola ni Bianca na sila lang ni Miguel ang magbiyahe, kaya kasama ng aktres ang dalawang pinsang babae.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Pero saka na po iyon,” sabi nina Bianca at Miguel nang bumisita kami sa taping nila ng Kambal Karibal. “Mga malalaking eksena na po ang ginagawa namin ni Bianca at kailangan namin ang concentration para lalong mapaganda ang takbo ng story namin.”

Natanong ang dalawa na sila lang yata ang love team sa GMA na tuluy-tuloy ang pagtatambal. Among sa mga magkaka-love team, pinaghiwalay na ang Gab-Ru (Gabbi Garcia at Ruru Madrid), at ang latest nga, sina Sanya Lopez at Rocco Nacino, na medyo personal yata ang reason kaya pinaghiwalay na sila.

“Thankful nga po kami ni Miguel na simula nang magtambal kami sa Basang Sisiw, tuluy-tuloy na po ang mga projects namin na hindi nagkakahiwalay ang love team namin,” sabi ni Bianca. “Kami naman po kasi ni Miguel very comfortable sa isa’t isa, at hindi kami nagpapadala sa pressure na dapat ipakita namin na kaming dalawa. Kung ano lamang po ang gusto ng audience sa amin, iyon ang ipinakikita namin.”

Balik sa bakasyon nila, kailan kaya sila matutuloy?

“Baka po kapag natapos na namin itong Kambal Karibal, makasingit na kami. Biro nga po namin, baka sa Europe na kami magbakasyon. But no, iyon po ang dream ni Bianca, gusto niya talagang pumunta ng Japan. Baka po maghintay na lamang kami ng right time,” sabi ni Miguel.

“Gusto po namin sana iyong may cherry blossoms, pero tapos na po ang season, kaya next year pa po iyon. Kaya siguro kung magkakaroon ng chance anytime this year, tutuloy na po kami,” dagdag pa niya.

Hindi pa raw nila alam kung hanggang kailan ang kanilang primetime series pero thankful sila na November 2017 pa sila nagsimula, pero umeere pa rin sila.

“Nakakatuwa po kasi, ang alam namin feeler lamang kami for one season, dahil hindi pa ready iyong dapat na papasok sa aming timeslot. Pero thank God, nagustuhan ng mga televiewers ang naiiba naming story at patuloy nila kaming sinusubaybayan. Hindi rin namin in-expect na isang malaking project ang kasabay namin pero pinipili kaming panoorin gabi-gabi ng mga netizens. Kaya maraming-maraming salamat po,” sabi pa nina Miguel at Bianca.

-NORA V. CALDERON