Anim na katao, kabilang ang isang babae, ang inaresto ng mga pulis nang maaktuhan umanong humihithit ng droga sa anti-illegal drugs operation sa Taguig City, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Carnain Andoy, 44; Jalil Ibrahim, 23; Mel Bagal, 54; Sam Provido, 41; Farida Abdul, 39; at Heger Laxila, 35, technician, ng Barangay Maharlika, Taguig City.

Sa ulat ng Taguig City Police, naglatag ng anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) sa Targan Street, Quiapo Dos, sa Bgy. Maharlika, dakong 11:15 ng gabi.

Nabulaga at wala nang nagawa ang mga suspek nang posasan sila ng mga pulis.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nasamsam sa mga suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu, na tumitimbang ng anim na gramo; at iba pang drug paraphernalia.

Sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

-Bella G. Gamotea