Mahigit kalahating bilyon pisong utang sa buwis ang hinahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) mula sa limang kumpanya na nakabase sa Quezon City, Pasig City at Tanay, Rizal.

Ang mga ito ay ang Daeah Philippines Incorporated, Job 1 Global Incorporated, Moderntex Incorporated, Stoneglobal Philippines Incorporated at Yarntech Manufacturing Corporation.

Sinampahan ng BIR sa Department of Justice (DoJ) ang limang kumpanya ng reklamong tax evasion dahil sa hindi nabayarang buwis na umabot sa kabuuang P557.53 milyon.

Pinakamalaki ang tax liability ng Yarntech sa Tanay, Rizal sa P361.42 milyon, Daeah Phils sa Pasig City, P175.84-M; Job 1 Global sa Cubao, Quezon City, P8.41-M; Moderntex sa Pasig City, P6-M; at Stoneglobal sa Quezon City, P5.79-M.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-Beth Camia