Apat na katao ang inaresto ng awtoridad sa anti-illegal drug operations sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila at Taguig City, nitong Huwebes.

Unang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)- Station 1 ang dalawang suspek na kinilalang sina Roberto Salinas, 38, barangay tanod; at live-in partner niyang si Rizalyn Bamba, 36, ng 265 Hinahon Street, Tondo, Maynila.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa panulukan ng Masikap at Kagitingan Sts., Tondo at tuluyang naaresto ang dalawa, dakong 9:15 ng gabi.

Nasamsaman naman ng ilegal na droga ang magpinsang sina Rico Torregoza, 46, binata, ng Victor St., Makati City; at Crisologo Butcon, 50, binata, technician, ng Zone 4, Bgy. Fort Bonifacio, Taguig City, bandang 3:10 ng hapon.

Ayon pa sa awtoridad, nagtangka pang tumakas ang mga suspek ngunit naaresto rin.

Politics

'Ang layo!' SP Allan, sinagot kung handa rin niyang protektahan si Sen. Jinggoy tulad kay Sen. Bato

-Mary Ann Santiago at Bella Gamotea