Posibleng maging bagyo ang dalawang low pressure area (LPA) na namataan sa Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay Chris Perez, weather specialist, ang isang LPA ay namataan may 325 kilometro sa kanlurang bahagi ng Puerto Princesa, Palawan bandang 10:00 ng umaga, at maaaring maging bagyo pagsapit ng Sabado ng gabi.

Ito ay inaasahang magdudulot ng matinding pag-ulan sa Palawan at Mindoro sa susunod na dalawang araw, at inaasahang lalabas sa PAR sa Lunes ng gabi at pipihit papuntang China.

Sinabi rin ni Perez na ang isa pang LPA, na nasa 680 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Surigao Del Sur, ay posibleng maging bagyo bukas ng gabi, Linggo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa susunod na limang araw, inaasahang palalakasin ng LPA ang habagat at magdudulot ng pag-ulan sa western section ng Luzon at Visayas.

“It might also pass through the extreme North Luzon area and cause rains in many parts of Luzon, including Metro Manila,” ani Perez.

-Chito A. Chavez