PLANO ni Nonito Donaire, Jr. na bumaba ng timbang sa bantamweight o super bantamweight division para muling maging kampeong pandaigdig.

Ito ang inihayag ng kanyang promoter na si Richard Schaefer ng Ringstar Sports dahil sa pagkatalo sa puntos ni Donaire sa huling laban kay Briton Carl Frampton sa SSE Arena sa Belfast, Northern Ireland.

Natamo ni Frampton ang WBO interim featherweight title sa nasabing laban na kung ilang beses siyang nayanig sa mga bigwas ni Donaire bagamat nanalo pa rin sa hometown decision laban sa Pinoy boxer.

Huling lumaban si Donaire sa bantamweight division noong 2011 nang pabagsakin niya sa 2ndround para talunin sa puntos si Omar Andres Narvaez para mapanatili ang WBC at WBO bantamweight titles.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“One thing that seems to be very clear, he doesn’t really belong at 126lbs, he just doesn’t have the power to hurt at 126lbs, like he does at 122 and particularly 118. We actually are discussing for Nonito potentially going back down to 118 and maybe give it another run there and see where it goes,” sabi ni Schaefer sa Boxing News.

Isa sa mga boksingero ni Schaefer na si Nardine Oubaali ng France ang lalaban para sa bakanteng WBC bantamweight title na kung magwawagi laban kay Thai Tassana Sanpattan ay posibleng magdepensa kay Donaire.

“One of my guys Nordine Oubaali with Ringstar France and he will be fighting for the WBC 118lbs world title against the Thai challenger [Tassana Sanpattan], most likely on Tony Yoka’s next card, June 23 in France,” dagdag ni Schaefer. “So hopefully Oubaali wins and I could maybe see Donaire challenging Oubali for a WBC title at 118 in France. That’s one idea.”

-Gilbert Espeña