Mga Laro Ngayon

PBA Sched june 1 copy

(MOA Arena)

4:30 m.h. -- Columbian Dyip vs TNT Katropa

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

7:00 m.g. -- Barangay Ginebra vs Meralco

MATAPOS ang mahigit dalawang linggong pagkabakante, muling sasabak ang TNT Katropa para sa hangad na makasalo sa liderato sa unang laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

DOS EKIS! Nagbanggaan sina Roi Sumang ng Blackwater nang tangkaing depensahan ni Eman Monfort ng NLEX sa kaagahn ng kanilang laro sa PBA Commissioners Cup nitong Miyerkules sa Smart-Araneta Colliseum. Nagwagi ang Road Warriors, 93-89, sa kabila ng pagkawala ng suspendidong si Kiefer Ravena. (CZAR DANCEL)

DOS EKIS! Nagbanggaan sina Roi Sumang ng Blackwater nang tangkaing depensahan ni Eman Monfort ng NLEX sa kaagahn ng kanilang laro sa PBA Commissioners Cup nitong Miyerkules sa Smart-Araneta Colliseum. Nagwagi ang Road Warriors, 93-89, sa kabila ng pagkawala ng suspendidong si Kiefer Ravena. (CZAR DANCEL)

Nakatakdang makasagupa ng Katropa sa unang laro ganap na 4:30 ng hapon ang Columbian Dyip bago ang tampok na salpukan sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco ganap na 7:00 ng gabi.

K a s a l u k u y a n g pumapangalawa ang Katropa sa solong lider na Rain or Shine (5-1) hawak ang 4-1 karta kasalo ng Alaska.

Huli silang sumalang noon pang nakaraang Mayo 13 kung saan tinalo nila ang Blackwater, 120-101, upang makabalik sa winning track pagkaraang mabigo sa Alaska sa ika-4 nilang laban.

Sa kabilang dako, nasa ikalimang puwesto ang Dyip taglay ang patas na barahang 3-3, kapantay ng Globalport at Phoenix. Tatangkain nilang makabawi sa natamong huling kabiguan sa kamay ng Magnolia Hotshots noong Mayo 16 sa iskor na 101-126.

Parehas namang galing sa pagkabigo sa nakaraan nilang laro, mag-uunahang makabalik sa winning track ang Barangay Ginebra Kings at Meralco Bolts.

Ito ang magiging unang laro ng nagbabalik na import ng Kings na si Justin Brownlee pagkaraan ng kanyang matagumpay na stint sa Asean Basketball League kung saan pinamunuan nila ng nagbalik ding import ng San Miguel Beer na si Renaldo Balkman ang Alab Pilipinas sa kampeonato.

-Marivic Awitan