NAGPADALA ang United States Navy ng dalawang warship – ang guided missile destroyer USS Higgins at ang guided missile cruiser USS Antietam – na naglakbay sa layong 22 kilometro ng isla ng Paracel sa hilagang bahagi ng South China Sea (SCS) nitong Sabado. Sila ay nagmaniobra malapit sa mga isla ng Tree, Lincoln, Triton, at Woody, bilang parte ng kanilang international operation upang maisagawa ang “freedom of navigation” sa pandaigdigang katubigan.
Nito lamang nakaraang linggo, laman ng balita ang isla ng Woody bilang lugar ng dambuhalang Chinese military buildup – ang pagkakabit ng missiles na may lawak na 545 kilometro.
Malapit ang Woody sa isla ng Hainan ng China, ngunit malapit din ito sa baybayin ng Vietnam. Nagbigay ng pahayag ang Vietnam Foreign Ministry: “Vietnam requests that China, as a large country, show its responsibility in maintaining peace and stability in the East Sea, and cease all militarization activities, including the installation of missiles.”
Sa katimugang bahagi ng SCS, nagkabit din ang China ng missiles sa tatlong isla sa Spratlys, na nasa kanlurang bahagi ng Palawan. Kinuwestiyon ng ilang opisyal ng Pilipinas, kabilang si acting Chief Justice Antonio Carpio, na naghain ang Pilipinas ng protesta ngunit wala pang nangyayari sa ngayon.
Walang interes ang Amerika sa pinag-aagawang isla sa SCS, ngunit determinado na maisagawa ang malayang paglalayag sa dagat, sa pamamagitan ng $5 trillion sa trade passes kada taon sa mga barko ng iba’t ibang bansa. Ito ay patunay ng kalayaan na ang USS Higgins at ang USS Antietam ay nakapaglayag malapit sa isla ng Woody at iba pang Paracel islands nitong Linggo.
Nagbigay ng reaksiyon ang China sa paglalayag ng barko ng Amerika sa inaangkin nitong teritorsyo at nagpadala ng Chinese Navy na, ayon sa state news agency Xinhua, “warned them to leave.” Mapayapang natapos ang engkuwentro ngunit inaasahang hindi titigil ang Amerika sa pagpapadala ng warships sa South China Sea, upang maisagawa ang “freedom of navigation.”
Tumindi ang problema sa pag-angkin ng China sa malaking bahagi ng South China Sea. Nagkaroon ng gusot sa pagitan ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia at Brunei na nag-aangkin sa islang malapit sa kani-kanilang baybayin at sakop ng kanilang Exclusive Economic Zones sa ilalim ng Law on the United Nations Convention on the Law of the Sea.
Sa kawalan ng kapangyarihan na katanggap-tanggap sa lahat, na aayos sa magkakasalungat na pahayag, inaasahan ang mas matinding problema. Maaaring nanalo ang Pilipinas sa kaso sa Arbitral Court sa Hague, na bumasura sa pang-angkin ng China sa SCS, ngunit napagtanto nito, gaya ng iba pang maliit na bansa, hindi nito kayang hamunin ang China.
Tanging Amerika ang kayang kumasa kaya patuloy itong nagpapadala ng barkong pandigma sa South China Sea upang maisagawa ang malayang paglalayag sa lugar. Isang araw, na ating kinatatakutan, ang agawan sa isla ay hindi na masolusyunan.
Sa pahayag ni United Nations Secretary General Antonio Guterrez sa problema ng US-North Korea, “one mechanical, electronic, or human error could lead to a catastrophe that could eradicate entire cities.” Maaaring tinutukoy din niya ang nangyayaring sigalot sa South China Sea.