Binalaan kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko sa napipintong pagpasok ng tag-ulan sa bansa.

Ito ay matapos maitala ng PAGASA ang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at sa iba pang panig ng Pilipinas sa nakalipas na mga araw.

Idinahilan ni Ana Liza Solis, officer-in-charge ng Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA, na posibleng mag-umpisa ang wet season sa bansa sa pagitan ng Hunyo 4 at 14.

Kabilang, aniya, sa pinagbabatayan nila sa pagdedeklara ng pagsisimula ng tag-ulan ang total rainfall amount na 25 millimeters (mm) o mas higit pa sa loob ng tatlong magkakasunod na araw na mayroong 1mm ng buhos ng ulan kada araw.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Sa kabuuan aniya, makararanas ng halos normal na buhos ng ulan sa buong bansa sa pagpasok ng Hunyo, maliban sa Bicol Region, na makararanas ng above normal amount of rainfall.

-Ellalyn De Vera-Ruiz