IPINAHAYAG ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sa pamamagitan ng Charity Assistance Department nitong Huwebes ang pagbibigay ng kabuuang P643 milyon para sa medical assistance ng may 33,032 pasyente para sa buwan ng Abril.

“The P643 million is 25.53 percent increase in spending and 26.16 percent increase in the beneficiaries compared with the same period last year,” pahayag ni PCSO General Manager Alexander Balutan.

Ang nangungunang tatlong pangangailangang medical na natugunan ng ahensiya ay confinement para sa 12,458 beneficiaries na may halagang P272 million, medicines para sa 10,899 beneficiaries na may halagang P106 milyon at chemotherapy ng 3,553 beneficiaries na may kabuuang halaga na P114 milyon.

“Compared with the same period last year, confinement increased at 11.94 percent in cases and 14.77 percent in spending; requests for medicines increased at 25.36 percent in cases and 20.82 percent in spending; and chemotherapy increased at 20.65 percent in beneficiaries and 17.31 percent in spending,” sambit ni Balutan.

Pamangkin ni Hidilyn Diaz, unang atletang sumungkit ng ginto sa weightlifting sa Palarong Pambansa

Para maibsan ang pagkaantala sa pagbibigay ng tulong, ipinaalala ng PCSO sa mga pasyente na magsumite ng kompletong dokumento na kinabibilangan ng

personal letter kay PCSO Chairman o General Manager, original/certified true copy of medical abstract na may lagda ng doctor kaakibat ang license number, final hospital billing, endorsement from the hospital to accept PCSO guarantee letter, at photocopies ng ID ng pasyente at immediate relative na siyang nagsaayos ng request.

Sa pagkakataon na nailabas na ng hospital ang pasyente at may naiwan pang balanse, kailangan ang notarized promissory note. May karagdagang dokumento rin para sa laboratory procedures, requests for chemo drugs or medicines, implant/prosthesis, at hemodialysis.

“Nakakalungkot na taun-taon, lumalaki ang mga taong nangangailangan ng tulong medikal at pinansyal. But we would like to assure you that we choose no one whether rich or poor, as long as you are Filipino. That’s why we are encouraging you to patronize our products. Biruin mo, tumaya ka lang, nanalo ka pa, nakatulong ka pa. Kung hindi ka man manalo, at least nakakatulong ka,” pahayag ni Balutan.

Batay sa PCSO’s charter, 55 percent ng kikitain nito ay inilalaan sa papremyo, 15 percent sa operational expenses, at 30 percent para sa “charity fund.”