OAKLAND, California (AP) — Nakaungos ang Golden State sa dikitang laban na tinampukan ng maling desisyon sa krusyal na sandali ni JR Smith na nagbigay daan sa 124-114 panalo sa overtime ng Warriors kontra Cleveland Cavaliers sa Game 1 ng best-of-seven NBA Finals nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Hindi makapaniwala si Lebron James sa kinahitnan nang laro sa regulation nang imbes itira ni Smith ang nakuhang bola mula sa rebound sa mintis na free throw ni George Hill may 4.7 segundo ang nalalabi, padribble niya itong inilabas sa halfcourt na animo’y tangan ng Cavs ang bentahe.

“He thought it was over. He thought we were up one,” pahayag ni Cavs coach Tyronn Lue.

Sa overtime, humataw ng todo ang Warriors sa pangunguna ni Stephen Curry na kumamada ng 29 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Host muli ang Warriors sa Game 2 sa Linggo (Lunes sa Manila) sa Oracle Arena.

Nabalewala ang dominanteng 51 puntos ni James na kumana ng 19 for 32 field goal bukod sa walong assists at walong rebounds. Napantayan ni James ang record ni Michael Jordan na may 199 pagkakataon sa playoff na umiskor siya ng 30 plus puntos, gayundin napantayan niya ang marka ni Hall-of-Famer Jerry West na nakaiskor ng 40-plus puntos sa walong pagkakataon sa postseason ng 1965.

Nakumpleto ni James ang three-point play mula kay Curry may 50 segunda ang nalalabi sa fourt quarter. Tinawagan ng foul ang driving shot ni Kevin Durant na kumana ng free throw.

“It was great, it was epic and he did enough to carry this team to a victory,” sambit ni Lue.

Nagbalik-aksiyon si Kevin Love sa Cavs, matapos sumailalim ‘concussion Monitor’, at kumamada 21 puntos at 13 rebounds.

Hindi pa rin ibinabalik ng Warriors si defensive player na si Andre Iquodala, ang 2015 NBA Finals MVP.