TAHIMIK lang ang grupo ng fans na nagmamahal kay Maine Mendoza sa project na ginawa nila, ang libro titled “Dear Maine.” Mukhang sorpresa nila ito kay Maine, dahil ayon sa kanyang manager sa Triple A na si Rams David, sa event last Wednesday lang niya natanggap ang invitation na ginanap sa Relish Restaurant in Tomas Morato, Quezon City that same day.

Maine at fans na naglabas ng aklat

At nasorpresa nga si Maine na nag-post sa Instagram ng: “Thank you so much for this!!! Had a great time tonight.

Post naman ni Hope @LiveGiveLive: “#Dearest Maine is a private ‘testimonial’ dinner organized by a very small group of fans for Maine. Almost 4 months ago, we asked everyone to share w/ us ur letters, poems & artistic creations for Maine’s b-day. We’re happy to tell you that tonight, we turned-over d book to Maine.

Tsika at Intriga

'DJ,' nabanggit ni Kathryn Bernardo sa Family Feud

“Much respect & admiration to these 17 wonderful people who gladly volunteered 4 this ‘love’ project. It’s amazing how our common love for Maine brought us together, despite of our differences (backgrounds, timezones, etc.) A real pleasure to work 2/u all. Thank u.”

Maikli lamang ang pasasalamat ni Maine sa kanila: “Sana ang pagmamahal ninyo sa akin, walang expiration.”

Post naman ni Rams David: “Indeed a night of wonderful stories of how @mainedcm has touched their lives and gave inspiration to strive harder in facing world’s 101 challenges. Thank you very much for inviting us and good luck to all the members.

“Dear Maine” A Testament of Love, Happiness and Miracles.

“Ang dinner ay part pa rin daw ng birthday niya, so pang-10th na ito dahil iyong huling party niya last week ay pang-9th na pala.

“May mga fans na nagtanong kung mayroon daw mabibiling copy ng book, pero sagot nila, ‘for Maine’s consumption only ang book at limited edition lamang’.”

Invited din at dumalo sa event ang buong pamilya ni Maine, sina Tatay Teddy, Nanay Mary Ann, Niki, Nico, Dean at ang apo nilang si Matti.

Congratulations!

-NORA CALDERON