Malugod na tinanggap ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes na magiging ligtas siya kung pipiliing bumalik sa bansa, upang tumulong sa negosasyong pangkayapaan sa gobyerno.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sison na mabuti ang dulot ng kasiguraduhan sa kanyang kaligtasan, lalo na dahil nagmula ito sa pinakamataas na opisyal sa bansa.

“The most important thing is that we can dialogue and agree on how best we can serve the interest of the Filipino people, especially the toiling masses of workers and peasants through the peace negotiations and cooperation under the principles of national sovereignty, democracy and social justice,” lahad ni Sison.

Sa kabilang banda, siniguro naman ni Sison na babalik siya sa Pilipinas pagkatapos niyang malagdaan ang interim peace agreement, na inihahanda na para sa buwang ito, gayundin ang kasunod na mutual approval ng comprehensive agreement on social and economic reforms ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at ng National Democratic of the Philippines (NDFP) sa Hulyo o Agosto.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa kanyang talumpati na isinalaysay sa change of command ceremony ng Presidential Security Group (PSG) sa Malacañang Park, siniguro ni Duterte sa kanyang dating propesor na hindi ito matutulad sa sinapit ni dating Senator Ninoy Aquino Jr., noong 1983, sakaling hindi magbunga ng maganda ang mga hakbang sa peace talks.

Gayunman, inulit ni Duterte na hindi niya papayagan ang pagsasanib-puwersa ng gobyerno at ng mga komunistang rebelde.

Matatandang binawi ng Pangulo ang peace talks sa mga rebelde noong Nobyembre 2017 dahil umano sa paglabag ng mga ito sa ceasefire at kawalang sinseridad sa binubuong negosasyon.

-Francis T. Wakefield