Pinag-iingat ng pamunuan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili ng Capsinesis Capsicum annum dietary supplement capsule, matapos na matuklasang pinepeke ito para ibenta sa merkado.

Batay sa Advisory No. 2018-177 ni FDA Director General Nela Charade Puno, pinag-iingat ng ahensiya ang publiko laban sa pagbili ng naturang produkto matapos nitong maberipika, sa tulong ng Market Authorization Holder (MAH), Numan Food Supplement Corporation, na namamayagpag rin sa publiko ang mga pekeng Capsinesis.

Ayon sa FDA, kung bibili ng Capsinesis ay dapat tiyaking hindi peke ito dahil posibleng makasama ito sa kalusugan dahil hindi naman ito sumailalim sa pagsusuri ng FDA.

Mas makabubuti rin, ayon sa FDA, kung sa mga lisensiyadong botika at tindahan bibili ng Capsinesis.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Likewise, all concerned establishments are hereby warned against selling of this verified counterfeit food supplement with the abovementioned features. The importation, selling or offering for sale of such is in direct violation of RA No. 9711, or the Food and Drug Administration Act of 2009, and RA No. 10611, or the Food Safety Act of 2013,” ayon pa sa FDA.

-Mary Ann Santiago