Bagamat matagal nang ipinahayag ang kaugnayan ng paninigarilyo sa pagiging payat o pamamayat, inilahad sa genetic study kamakailan na ang pagkakaroon ng labis na body fat, lalo na sa may baywang, ay maaaring may kaugnayan sa paninigarilyo ng isang tao.

Nakita sa pag-aaral na nakakaimpluwensya ang paninigarilyo sa extra body fat at kung gaano kalakas manigarilyo ang isang tao, o ang kagustuhang kumain ng labis, at maaaring may kaugnayan ang genetic origins ng mga ito, lahad ng mga awtor sa BMJ.

“These results highlight the role of obesity in influencing smoking initiation and cessation, which could have implications for public health interventions aiming to reduce the prevalence of these important risk factors,” saad sa pag-aaral, na pinangunahan ni Robert Carreras-Torres sa International Agency for Research on Cancer in Lyon, France.

Sinuri ng mga mananaliksik ang mga datos mula sa UK Biobank at ng TAG Consortium sa mahigit 450,000 katao ng lahing European. Naglalaman ang databases na ito ng mga impormayon tungkol sa genetic, medical at lifestyle ng mga boluntaryong partisipante.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Sa mga nakaraang pag-aaral, inilahad na ng mga awtor na may kaugnayan ang genetic variations na tinatawag na SNPs sa obesity at paninigarilyo. Ngunit hindi pa malinaw, gayunman, kung ang taong patuloy na naninigarilyo ay mas pumapayat pa lalo dahil sa smoking curbs appetite, o kung pumapayat nga ang mga taong naninigarilyo.

“Starting smoking in order to lose weight is a really bad idea. On one hand, you might weigh a couple of pounds less, but this weight reduction might come from lean muscles and not fat,” lahad ng siyentista.

Napag-alaman din sa pananaliksik na ang mga naninigarilyo, na mababa ang Body Mass Index (BMI), ay mas maraming taba sa kanilang tiyan kumpara sa non-smokers, na mas malala kaysa pagkakaron ng simpleng mataas na BMI.

“On the other hand, smoking causes cancers, heart diseases, stroke, bad breath, yellow teeth, and all sorts of other negative consequences, including death. Smokers also have a harder time exercising due to the shortness of breath, so this makes losing weight even more difficult,” saad pa sa pag-aaral.

Reuters Health