Pinangunahan ni Vice President Leni Robrero at ng magkapatid na sina Navotas City Rep. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco ang pagsasagawa ng “Brigada Eskuwela” bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase sa mga pambublikong paaralan sa Lunes.

Tumulong ang mga Tiangco sa Bise Presidente sa pagpipintura sa Wawa Elementary School, na nasa mahigit 700 ang naka-enroll.

Sinabi ni Robrero na sa pamamagitan ng Federation of Indian Chambers of Commerce and Industry at ng Philippine Toy Library, ay magpapatayo siya ng toy library sa nasabing paaralan.

Sa pamamagitan ng kanyang mga staff, namahagi ng tulong si Robredo sa Brigada Eskuwela ng nabanggit na paaralan, hanggang 3:00 ng hapon nitong Martes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagpasalamat naman si Mayor Tiangco sa pagbisita ng Bise Presidente.

-Orly L. Barcala