KIEV/MOSCOW (AFP, Reuters) – Kinondena ng Russian foreign ministry nitong Miyerkules ang pamemeke ng Kiev sa pagkamatay ng Russian journalist at Kremlin critic na si Arkady Babchenko, na ayon dito ay nais siraan ang Russian authorities.

‘’We’re glad that a Russian citizen is alive,’’ sinabi ng ministry, ngunit idinagdag na ‘’now the true motives are beginning to be revealed for this staging, which is totally obviously yet another anti-Russian provocation.’’

Nagulat ang mga tao nang buhay na lumabas si Babchenko sa televised briefing ng Ukrainian state security tungkol sa pamamaslang sa kanya, at nilinaw na pineke nila ito. Iniulat ng mga awtoridad ng Kiev na binaril at napatay si Babchenko sa kanyang bahay at natagpuan ng kanyang misis na naliligo sa sariling dugo.

Ngunit ikinagulat ng reporters ang pag-akyat niya sa podium at inilahad na bahagi siya ng Ukrainian operation na sinisikap pigilan ang tangkang pagpatay sa kanya ng mga Russian at ilantad ang mga nasa likod nito.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

“I would like to apologize for what you have all had to go through,” maluha-luhang sinab ni Babchenko. “I’m sorry but there was no other way of doing it.”

Si Babchenko, 41, ay kritiko ni President Vladimir Putin at ng Russian policy sa Ukraine at Syria.

Ang iniulat na pagpatay sa kanya ay nagbunsod ng palitan ng maanghang na salita ng Ukraine at Russia. Itinanggi ng Kremlin na may kinalaman ito sa pamamaslang.