INILUNSAD kamakailan ng Department of Education (DepEd), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Banco de Oro (BDO) Foundation ang isang financial literacy program para sa mas responsableng pangangalaga sa pananalapi ng mga guro sa mga pampublikong paaralan, non-teaching personnel at mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga video tungkol sa pag-iimpok at pamumuhunan.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali na ang programa ay isang “a faithful compliance of what the law requires from the department for the benefit of both the learners and teachers.”
Ayon pa sa kanya, mas pinaigting ng proyekto ang public-private partnership na makatutulong sa ahensiya upang makalikha ng lifelong learners sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng mga magulang, komunidad at mga stakeholders.
Sinabi ni BDO Foundation President Mario Deriquito na makatutulong ang programa upang malaman ng mga kabataan ang tamang pangangalaga ng salapi at pag-impok bilang paghahanda sa kanilang kinabukasan. Makakatulong din ito sa mga guro at sa iba pang empleyado ng paaralan na makakuha ng kasanayan at ideya sa epektibong paghawak ng kanilang mga personal na salapi.
“The program is expected to contribute to DepEd’s efforts to strengthen financial literacy in its K to 12 curriculum and to the consumer protection pillar of BSP’s National Strategy for Financial Inclusion,” paliwanag ni Deriquito.
Para naman kay DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones, ang programa ay “direct response to the law which requires the teaching of financial literacy to all high school students and the celebration of financial literacy week.”
“This will help us in our personal capacitation, improvement. It’s always a good thing to learn the latest in a particular field because it makes us better teachers. It’s also good to learn something that will help us manage our personal affairs,” aniya.
Inihayag naman ni BSP Governor Nestor Espenilla na, “BSP believes that financial literacy can contribute to financial growth that’s why financial education has been our advocacy since 2010. All the good habits in saving begin as a child, when instilling financial management skills in children the younger the better.”
Bukod sa savings at investing lessons, kasama rin sa mga videong ipapamahagi ang mga paksa tungkol sa financial planning, responsableng paggamit ng inutang na salapi gayundin ang pagbabahagi nito sa iba lalo na sa mahihirap.
Dagdag pa ni Deriquito, ang bawat video ay may kasamang lesson plan na binuo ng DepEd master teachers na ia-upload sa learning portal ng DepEd upang mas mabilis na magamit ng mga guro at mag-aaral.
PNA