CAMP NAKAR, Quezon – Nalambat ng mga sundalo ang isang hinihinalang lokal na terorista ng New People’s Army (NPA) habang isang rebelde ang sumuko sa Bicol region, iniulat kahapon ng Southern Luzon Command (SOLCOM) dito.

Kinilala ni Colonel Danilo Benavidez, command’s public information officer, ang suspek na si Lestino Rosero, CPP/NPA terrorist, at nakumpiska sa kanya ang isang caliber .38 revolver, 150 rounds ng caliber 7.62mm at 5.56mm ammunition, dalawang anti-personnel improvised explosive devices, at ibabang bahagi ng M14 rifle.

Inaresto siya ng Task Group Albay ng 902nd Infantry Brigade, sa pangunguna ni Lieutenant Tawantawan, sa security operations sa Barangay Boldo sa Guinobatan, Albay nitong Martes.

Sumuko naman si Armando Dor Panol, alyas Ding, regular CPP/ NPA terrorist sa Camarines Norte, kay Captain Flores ng 9th Infantry Battalion sa Sitio Tibanlan, Bgy. Guisican, Labo, Camarines, Norte.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Idinagdag ni Benavidez na isinuko rin ni Panol ang dalawang M16 rifles at subversive documents.

Inaasikaso na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban kay Rosero sa Guinobatan Municipal Police Station sa Guinobatan, Albay.

-Danny J. Estacio