PARA sa kapakanan ni Kiefer Ravena at ng kanyang koponang NLEX Road Warriors, humiling ng kaukulang paglilinaw ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa International Basketball Federation (FIBA) kung saklaw ng ipinataw nilang suspensiyon sa manlalaro ang lcareer nito bilang isang professional basketball player sa Philippine Basketball Association.

Pinatawan ng FIBA ng 18-buwang suspensiyon si Ravena noong nakaraang Lunes matapos syang magpositibo sa World Anti-Doping Agency-banned substances.

Ayon kay SBP legal counsel Atty. Aga Francisco, ang SBP ay accredited ng FIBA. At ang panuntunan ng FIBA ay sumasaklaw sa SBP at sa stakeholders na kinabibilangan ng PBA.

Kaugnay nito, nagpadala sila ng sulat sa FIBA upang bigyang linaw ang lahat.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

At habang hinihintay ang tugon ng FIBA kinailangang ng SBP na i-pull out si Ravena nitong Linggo sa PBA All-Star Game.

“The rules are very clear, that is why we had to pull out Kiefer since we are still seeking clarification from FIBA,” ani SBP president Al Panlilio. “In fact, we just released a letter to Geneva.”

“We need clarification since this is Kiefer’s livelihood.”

Ayon naman kay Ravena, sumailalim na siya sa PBA drug testing protocol at pumasa siya dito. “I’ve been tested with the league’s random drug test and they turned out to be negative.

Suportado naman si Ravena ng buong koponan ng Road Warriors.

Pinanghahawakan naman ng SBP at Ravena ang pag-asa na hindi na maging saklaw ng suspensiyon ng FIBA ang paglalaro ng huli sa PBA.

“He’s been very honest in the process, he’s been very candid, and his behavior is examplary. Talagang honest mistake, he bought it over the counter,” ani Panlilio tungkol kay Ravena..

-Marivic Awitan