SEOUL (AFP) – Dumating si Russian Foreign Minister Sergey Lavrov sa Pyongyang kahapon, sinabi ng North Korean state media, bago ang makasaysayang summit nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un.

Bumisita si Lavrov sa gitna ng abalang diplomatic activity para ayusin ang summit sa Hunyo 12, at kasunod ng pagpupulong nina US Secretary of State Mike Pompeo at ng right-hand man ni Kim na si Kim Yong Chol sa New York nitong Miyerkules ng gbai.

‘’Sergei Lavrov, foreign minister of the Russian Federation, arrived here on Thursday at the invitation of Ri Yong Ho, foreign minister of the Democratic People’s Republic of Korea (North Korea)’’, iniulat ng KCNA news agency.

Hindi ito nagbigay ng mga detalye ngunit sinabi ng Tass news agency ng Russia na nag-usap ang dalawang foreign ministers sa gusali ng Supreme People’s Assembly sa Pyongyang.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina