MASAYANG kakuwentuhan si Kyline Alcantara, nang bumisita kami sa taping ng Kambal Karibal sa Madison 101 habang giniginaw ang buong cast sa holding area sa second floor dahil sa napakalamig na aircon.

Kyline

Pero blessing para kay Kyline ang lamig dahil may prosthetics na nakakabit sa left side ng mukha hanggang leeg niya.

“Hindi po naman masakit, pero kapag mainit po, iyong silicone, namamasa at kailangang ayusin muli,” kuwento ni Kyline. “Nasanay na rin po ako kahit one and a half hours ito bago maikabit.”

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Sa mga unang eksena, nasunog ang kalahati ng mukha ni Cheska (Kyline) sa nasunog na yateng sinakyan niya. Biro kay Kyline, ang yaman-yaman ng parents niya, sina Allan (Alfred Vargas) at Geraldine (Carmina Villarroel), bakit hindi ipa-plastic surgery ang kanyang mukha? Pabiro ring sagot ni Kyline, hihintayin daw munang gumaling sa coma si Daddy Allan niya saka naman siya ang ipagagamot.

Balik-Cheska ang role ni Kyline, mataray, suplada at galit kay Crisan (Bianca Umali).

“Bale tatlo po ang characters na nagampanan ko rito, as Cheska, as Crisel and bumait lang siya nang maging si Crisa. Pero iisa ang goal niya, ang maagaw niya ang pagmamahal ni Diego (Miguel Tanfelix), gusto niyang makuha ang soul ni Crisan para tanggapin na siya ni Diego.”

Mukha lang dalaga na lalo na sa screen, pero 15 years old lang si Kyline (sa September 3, 16 na siya) na pabiro ring tinanong kung may suitors na siya ngayong napakarami na ng fans niya.

“Wala po, walang nanliligaw sa akin, natatakot po siguro sa akin dahil sa role ko bilang si Cheska,” natatawang sagot ni Kyline. “Seriously po, bata pa po ako at focus muna talaga ako sa career ko, patuloy po ang studies ko online at nasa third year high school na ako. Ayaw ko pong sayangin ang opportunities na dumarating sa akin.”

Nababasa ba niya ang mga tweets na pinababalik na siya ng ibang fans niya sa ABS-CBN?

“Opo, pero I love GMA, pumirma po ako ng exclusive contract sa kanila. Naka-contract na rin ako sa GMA Records at inihahanda na rin namin ang debut album ko sa kanila, two original songs at three revivals na bibigyan ng millennial beat.”

Bago pa man pumasok sa showbiz, mas gusto ni Kyline sa teatro.

Thankful siya sa patuloy na dumaraming tagahanga niya at pati na sa magandang bonding ng buong cast at masaya sila sa mga papuri na ibinibigay sa kanila nina Carmina, Alfred at Marvin Agustin kaya lalo silang inspired na pagbutihin ang acting nila.

Marami pa raw ang aabangan sa kanilang teleserye at thankful sila sa mataas na rating nila gabi-gabi. Napapanood ang Kambal Karibal pagkatapos ng The Cure.

-NORA CALDERON