HAPPIEST PINOY! Inilunsad ng Cebuana Lhuillier ang ikaapat na edisyon ng ‘Search for the Happiest Pinoy’ kaakibat ang 10 bagong kategorya para mas makalahok ang mas maraming Pinoy sa taunang programa na may kabuuang P1.5 milyon na papremyo. Nasa larawan sina P.J. Lhuillier, Inc. (nakatayo mula sa kaliwa) First vice president and IMC group head Michael Sena, president and CEO Jean Henri Lhuillier, senior executive vice president Philippe Andre Lhuillier, at First vice president for Cebuana Lhuillier Insurance Solutions, Foundation, and Business Solutions Jonathan Batangan, kasama sina 2015 Happiest Pinoy Richardson Navor at 2012 Happiest Pinoy Rommel Arellano.

SA ikaapat na taon, muling maghahanap ang nangungunang microfinancial services company -- Cebuana Lhuillier— sa bansa ng pinakamasayang Pinoy sa ‘Search for the Happiest Pinoy’ 2018.

Isinasagawa ang kompetisyon bilang pagkilala sa katatagan at pagiging positibo ng Pinoy, sa kabila ng mga suliranin at dagok sa buhay.

“Cebuana Lhuillier has always believed that Filipinos are one of the most resilient people in the world. We have always faced life’s challenges with optimism, faith, and a can-do attitude—and we believe that this should be recognized and encouraged at all times. We have been celebrating this culture of happiness and resilience through the Search for the Happiest Pinoy since 2009,” pahayag ni Jean Henri Lhuillier, president and CEO ng PJ Lhuillier Group of Companies.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa 41st Annual Global End of Year Survey of Gallup International, nasa ikatlo ang Pilipinas sa buong mundo bilang ‘happiest countries’ sa buong mundo. Sa naturang survey, lumalabas na nananatiling positibo at matatag ang mga Pinoy sa pamumuhay kahit hitik sa mga suliranim dulot nang iba’t ibang aspeto sa buhay.

Higit na pinalawak ang sakop para sa paghahanap ng “2018 Search for the Happiest Pinoy” sa 10 bagiong kategorya; youth, senior citizens, overseas Filipino workers (OFWs), lingkod bayan, professionals, manggagawang Pinoy, entrepreneurs, employees, persons with disabilities (PWDs), at lesbian, gay, bisexual, transgender, and queer (LGBTQ) community.

Binubuo ang mga hurado na pipili ng mananalo mula sa Cebuana Lhuillier, miyembro ng academe at business community, gayundin ang mga nakalipas na Happiest Pinoy winners. Ang bagong appiest Pinoy ay pipiliin mula sa 10 mangungunang kandidato sa 10 kategorya.

Para sa 2018 edition, hindi na kailangang ang ‘third-party nomination’. Para makasali, kailangan lamang ng mga interesadong indibidwal na pumili ng kategorya at sagutan ang application sa pamamagitan ng SMS at i-text ang buong pangalan, petsa ng kaarawan,at category code sa (0920) 958-2455 (Smart/Talk ‘N Text), (0917) 878-2453 (Globe/TM), at (0932) 842-8562 (Sun); puwde rin via online sa www.happiestpinoy/register.aspx; o ipadala ang application form saan man sa 2,200 branch ng Cebuana Lhuillier sa bansa.

Tumataginting na P1 milyon tax-free ang matatanggap ng grand winner, habang may tig-P50,000 ang bawat category winners. Makakasama rin ang magwawagu sa ‘exclusive group’ ng Happiest Pinoy na kinabibilngan nina 2009 winner Winston Maxino, 2012 winner Rommel Arellano, at 2015 Happiest Pinoy winner Richardson Navor.