KINORONAHAN ang estudyante mula sa Tarlac bilang Mister Universe Tourism 2018 sa pageant na ginanap sa Pasig City nitong Martes ng gabi.

Benigno 'Ion' Perez (kuha ni Joy Arguil)

Si Benigno “Ion” Perez, 26, ang unang Pilipino na nagwagi sa international pageant na nagtataguyod ng tourism.

Naging first runner-up naman si Brata Angga Kartasasmita ng Indonesia at second runner-up si Avjeet Singh ng India.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa question-and-answer portion, tinanong si Perez ng: “If you could trade places with somebody, who would it be and why?”

Sumagot si Perez sa Kapampangan na isinalin ni Atty. Richard Garcia Montoya sa English. Aniya: “I would trade places with the President because a lot of people need jobs especially in the tourism industry and I could do a lot if I were president.”

Ayon kay Ferdinand Abejon, managing director ng pageant, karapat-dapat ang panalo ni Perez.

“Though he used an interpreter, the answer of Ion Perez (in the Q and A portion) is more than enough to make him win the title, aside of course from his good face, body, and attitude,” sabi pa ni Abejon.

Inamin naman ni Perez na hindi niya napagtuunan ng wasto ang pag-aaral, pero nais niyang ipagpatuloy ang pag-aaral para tapusin ang kursong pinapangarap niya.

“Hindi ko po natapos ang 1st year kaya po ako huminto wala pa sa focus ko ang pag-aaral, puro barkada pa ako at kalokohan,” pag-amin ni Perez, na pumasok sa Tarlac State University.

Sa pagkakataong ito, nais na niyang bumalik sa pag-aaral at para tapusin ang kurso.

Si Perez ay isang rising fashion model nang sumabak sa taunang Misters of Filipinas 2017 contest.

Una rito, ay napili rin siya bilang isa sa 69 hottest Cosmo bachelors para sa 2017 edition ng Cosmopolitan magazine.

Sa kasamaang palad, itinigil na ng mga organizer ang taunang male extravaganza show, tatlong taon na ang nakalilipas. Kaya hindi na mapapanood ng fans na rumampa ang mga lalaking model sa bansa.

Ilang beses na ring nai-feature si Perez sa mga print ad.

Binanggit din niya na maaari niyang pasukin ang showbiz kasunod ng kanyang pagkapanalo sa prestihiyosong male contest.

“My victory is for my family who really supported me in this journey,” pahayag ni Perez pagkatapos ng timpalak.

Binigyang-parangal naman ni Perez ang kanyang namayapang ama -- dating jeepney driver – at kanyang ina na nagbebenta ng minatamis para matustusan at mapalaki ang kanyang 14 na kapatid.

“I am the 12th among the children. I always remember what my father have taught me -- stay humble and be respectful,” aniya.

“When my father passed away, my elder brothers and sisters helped my mother sell sweets. Despite the odds, we were also taught to be God-fearing. That’s why I really want to give this honor to my parents,” may pagmamalaking pahayag ni Perez.

-ROBERT R. REQUINTINA