Itinalaga ni Defense Secretary Delfin N. Lorenzana ang World War II veteran na si retired Sandiganbayan Justice Manuel R. Pamaran bilang acting president ng Veterans Federation of the Philippines (VFP).

Naganap ang oath taking ceremony nitong Lunes, Mayo 28, sa EDSA Lounge, DND Building, Camp General Emilio Aguinaldo, sa Quezon City.

Sa bisa ng Department Order No. 184, inatasan ng Defense Chief si Pamaran na kaagad na umupo sa puwesto at gumanap ng tungkulin bilang presidente ng VFP hanggang sa mailuklok ang susunod na pangulo, alinsunod sa SND-approved Revised VFP Election Code.

Kasabay nito, inalis ni Lorenzana sa hold-over capacity si retired Col. Bonifacio G. De Gracia bilang VFP president.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Upang masiguro ang tuluy-tuloy na operasyon ng VFP at maayos na transition ng liderato, ipinag-utos din ng kalihim ang pagpapatuloy ng hold-over capacity ng incumbent members ng VFP Supreme Council.

Si Justice Pamaran, na nananatiling masigasig sa edad na 93, ang pangulo ng Hunters-ROTC Guerrilla Association, ang organisasyon ng guerrilla unit, na pinagsilbihan niya sa kasagsagan ng World War II.

-Francis T. Wakefield