Inaksiyunan ng Department of Labor and Employment (DoLE)-Region 12 ang listahan ng mga kumpanyang nagsasagawa ng labor-only contracting o tinatawag na “endo”.

Sa ulat ni DoLE-12 Regional Director Sisinio Cano, pinadalhan na ng compliance order ang anim na kumpanya na kabilang Top 20 na lumabag sa LOC para ilagay sa regular status ang mga contractual na empleyado.

Ang mga ito ay: DOLE Philippines sa Cannery Polomolok, South Cotabato, na may 10,521 apektadong manggagawa; General Tuna Corporation, sa Barangay Tambler, General Santos City, 5,216 manggagawa; KCC Property Holdings Incorporated sa Barangay Lagao, GenSan, 1,802 manggagawa; Sumifru Philippines Corporation sa Poblacion, T’boli, 1,687 empleyado; Dolefil Upper Valley Operations sa Surallah, South Cotabato, 1,18empleyado; at DOLE-Stanfilco sa Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato, 1,131 manggagawa.

-Mina Navarro
Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude