BAYAMBANG, Pangasinan — Simula sa Hulyo 1, ipagbabawal na ang paggamit ng plastic, sando bag at stryrofoam sa bayang ito.

Ayon kay Raymundi Bautista, Jr., chief of staff at legal officer ng munisipyo, noon pang Setyembre ng nakaraang taon inaprubahan ang Municipal Ordinance No. 19 na nagbabawal sa paggamit ng plastic cellophane at mga sando bag bilang packaging at sa mga styrofoam bilang lalagyan ng pagkain at inumin sa buong bayan ng Bayambang.

“Violators will be fined with PHP500 and eight hours community service (first offense); PHP1,000 and 12 hours community service (second offense); PHP1,500 and criminal prosecution (third offense),” paliwanag ni Bautista at idinagdag na ang ordinansa ay tugon sa Republic Act (RA) 9003, o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

-Philippine News Agency
Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga