Sinimulan na ng pamahalaan ang pagtatayo ng limang lighthouse sa mga islang nasasaklawan ng West Philippine Sea, para na rin sa kaligtasan ng mga naglalayag.

Ito ang ibinunyag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa media forum sa Maynila, kahapon.

Itinatayo ang mga lighthouse, o parola, sa Pag-asa, Likas, Parola, Patag at Kota islands, pawang bahagi ng Kalayaan Group of Islands.

Ang proyekto, aniya, ay gagastusan ng pamahalaan ng P10 milyon.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Lighthouses are also now being constructed on features held by the Philippines to ensure safety of navigation, along our responsibility under the UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) to provide navigational safety for all international vessels transiting the West Philippine Sea,” ani Esperon.

Pagagandahin din, aniya, ng pamahalaan ang pasilidad ng puerto at runway ng Pag-asa Island bilang bahagi ng pagsusulong ng gobyerno upang maiangat ang kapakanan ng mga namumuhay na Pinoy sa lugar.

Ang pagpapaganda sa landing field ng Pag-asa ay upang hindi na rin mahirapan pa ang tropa ng pamahalaan sa pagpapadala ng regular supplies nito sa mga sundalong nagbabantay sa lugar.

-Genalyn D. Kabiling