Sinasabing dahil sa napabayaang kandila ang sanhi ng pagliyab ng 200 bahay sa Taytay, Rizal kamakalawa.

Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, nagsimulang sumiklab ang apoy sa Purok 15, Meralco Village sa Barangay San Juan, sa Taytay, dakong 9:00 ng gabi.

Agad itinaas sa ikaapat na alarma ang sunog, na mabilis na kumalat sa may 200 bahay na karamihan ay gawa sa light materials, bago tuluyang naapula makalipas ang isang oras.

Naniniwala ang ilang residente sa lugar na ang napabayaang kandila ang pinagmulan ng apoy, ngunit iniimbestigahan pa ito ng awtoridad.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Inaalam na ang halaga ng ari-ariang naabo.

-Mary Ann Santiago