Patay ang dalawang Chinese nang pagbabarilin ng apat na motorcycle-riding suspects ang sinasakyan nilang kotse sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling araw.

NIRAPIDO! Dead-on-the-spot ang dalawang Chinese nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay sa kanilang kotse sa panulukan ng Pedro Gil Street at Roxas Boulevard, kahapon ng madaling araw. (JUN RYAN ARAÑAS)

NIRAPIDO! Dead-on-the-spot ang dalawang Chinese nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay sa kanilang kotse sa panulukan ng Pedro Gil Street at Roxas Boulevard, kahapon ng madaling araw. (JUN RYAN ARAÑAS)

Sa report na natanggap ni Manila Police District (MPD) Director Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, nakilala ang mga biktimang sina Huo Cheng Chen, 44, ng 327 Beltran, Buendia, Balut,Tondo, Maynila; at Weishing Lee Chen, ng San Rafael, Navotas City.

Ang dalawa ay tinambangan habang sila ay lulan sa itim na Toyota Vios (UDV-966) sa kanto ng Roxas Blvd., at Pedro Gil Street, Ermita, bandang 1:30 ng hapon.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sa salaysay ng mga testigo, huminto sa stoplight ang sasakyan ng mga biktima at makalipas ang ilang sandali ay huminto rin sa lugar ang dalawang riding-in-tandem at pitong beses pinaputukan, gamit ang cal. 45 pistol, ang mga biktima.

Dead-on-the-spot si Hou Cheng na nasa passenger seat, habang naisugod pa sa ospital ang driver na si Weishing, ngunit binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek, bitbit ang kanilang armas.

Nabigo naman ang mga testigo na makilala ang mga suspek dahil nakasuot ng helmet ang mga ito.

Hinala ng pulisya, kagagaling lamang sa casino ng mga biktima bago mangyari ang krimen, batay na rin sa nakuhang ticket sa kanilang sasakyan.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung sinu-sino ang responsable sa krimen at ang motibo ng mga ito.

-MARY ANN SANTIAGO