ABOARD A US MILITARY AIRCRAFT (AFP) – Nangako si Defense Secretary Jim Mattis nitong Martes na ipagpapatuloy ng US ang pagkokompronta sa China kaugnay sa territorial claims sa South China Sea, kung saan nag-establisa ang Beijing ng military presence nito sa mga pinagtatalunang isla.
Sinabi ito ni Mattis matapos magpahayag ang Beijing ng ‘’strong dissatisfaction’’ nitong Linggo sa paglayag ng dalawang US warships sa pinagtatalunang Paracel Island chain.
‘’You’ll notice there’s only one country that seems to take active steps to rebuff (such operations) or state their resentment of them, but it’s international waters and a lot of nations want to see freedom of navigation, so we will continue that,’’ ani Mattis sa mga mamamahayag sa paglipad niya patungong Hawaii.